Sinungaling ang Pag-ibig

Sinungaling ang pag-bibg.

Dahil naniwala ako sa mga mata mo

nung una tayong nagkita;

sa hawak mo sakin.

At naniwala ako

na sa bawat hakbang ko papalayo sa’yo

ay hakbang papunta sa tuluyan kong pagkahulog.

 

Kaya naniwala ako sa love at first sight,

Sa romantic love stories,

Sa happy ending.

Naniwala ako sa pag-ibig..

Naniwala hanggang sa nasaktan.

 

Sinubukan kong isulat ang kwento

ng bawat isang pagbasag ng mga mumunting parte

na bumubuo sa puso ko.

Sinubukan kong isulat sa kasaysayan ng bawat tulang naisulat

ang kwento ko tungkol sa’yo.

Hinanap ko ang pag-ibig mo sa mga puno.

At sa bawat pagtigil ng ibon sa pagkanta,

Iniisip kong ako ang isang ibong nasa kabilang dako —

nakikinig sa musika ng katahimikan

upang matantya ang layo mo sa akin.

 

Sinisid ko rin ang dagat,

hinalukay ang buhangin,

binaliktad ang bawat bato,

sa kagustuhang makita ang pag-ibig mo.

 

Naglalakad ako. Hinahanap kita.

Tatanungin kung mahal mo rin ako.

Kung sana ay naririnig mo

ang gabi-gabi kong bulong sa buwan,

na bigyan tayo ng kasaysayan, ng sarili nating istorya.

Ang bawat bituin na kinausap ko

nawa’y dumating sa pintuan mo,

at magpasabog ng yakap at halik mula sa akin.

 

Pupuntahan ko mag-isa

ang lahat ng gusto mong puntahan.

Ang baybayin. Ang isla.

Ang lugar kung saan ka natutuong magbisekleta.

Nang sa muli kong pagpunta roon,

ay kasama na kita.

 

Ikaw.

Oo, ikaw!

Ipapadala ko sayo ang pag-ibig ko.

Ang kasiyahan kong nasa kamay mo na.

Itabi mo ako sa pagtulog,

ibalot sa kumot ng iyong pagmamahal,

at awitan hanggang sa ako’y makatulog.

 

Bilang ng Diyos ang luha ko sa’yo.

Bilang Niya ang mga tula,

ang tawa. Ang mga sulyap.

Ang mga larawan, ang upos ng sigarilyo

at ang bote ng alak.

 

Ngunit ang totoo…

hindi sinungaling ang pag-ibig.

Hindi niya sinabing mahal ako ng taong mahal ko

dahil lamang nahuli ko siyang nakatingin sa akin,

dahil lamang ngumiti siya sa akin,

dahil lamang ramdam kong mahal niya ako.

 

Hindi sinungaling ang pag-ibig.

Sadyang nagsinungaling lang talaga ako sa aking sarili

sa mga panahong akala ko

ay mahal ako ng taong mahal ko.

Kaya nasaktan ako ng sobra,

Dahil natakot akong magtanong.

Natakot sa katotohanan.

 

Pero ngayon, hindi na.

Kaya ngayon, tatanungin kita,

At sana ngayon, sumagot ka:

Mahal mo ba ako?


 

coolest-free-printables.com/print/birthday-party-printables/
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s