Sa Gabing Ito

Sa gabing ito, nagdesisyon akong kalimutan ka.
Ang isang taong agwat ng noon at ngayon
ay isasama ko na sa tahimik at mabagal na paglakad ng dilim.
Ang mga maiinit na salitang inasahan kong sabihin mo
ay ipapaanod ko na rin sa lamig ng hangin ngayong gabi.
Isisigaw ko na sa buwan ang mga salitang hindi ko masabi-sabi,
at sana’y maging bituin ang sakit at luha ng aking salita
na walang hanggan ang kutitap,
at parang mga matang walang hanggan ang pag-iyak.

Sa gabing ito, lilimot na ako.
Kakalimutan kong minsan ay ginusto kong yakapin
ang lamig ng iyong puso.
Kakalimutan kong minsan ay tumutula ako ng palihim sa hangin – matapang na idinideklara
ang lahat ng mga hindi ko masabi-sabi.
Na minsan ay dala mo ang kasiyahan ko sa kasiyahan mo
at ang buong ikaw sa plano kong bukas

Kaya sa gabing ito, lilimutin na kita.
Iiyak ako at sasandal sa dingding,
hihiga at kakapain ang dibdib sa sakit,
tahimik na tatanggapin ang pagkatalo,
at unti-unting matutulog sa pagod,
unan ang matutulis na basag ng puso,
yakap ng kumot na may lamig ng pag-iisa.

Oo, iiyak ako. At lilimutin kita.
Pero kung sakaling isusulat mo na
ang iyong huling tula,
ako, sinta, ang tatapos para sa’yo,
nang hindi mo maranasan ang sakit
ng pagtapos ng lahat sa tuldok.


http://photo.elsoar.com/beautiful-moonlight-hd-wallpapers.html
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s